memories
September 11, 2008minsan pinanganak ako,minsang pinasuso, pinalitan ng diaper,
minsang pinakain at pinatulog,
minsang umihi sa kama,
minsan din tinuruang gumamit ng banyo,
minsang naglaro, humalakhak at humikbi.
minsan, muntik na akong maihaw sa grill,
minsang nagkabukol, nadapa,
minsang nahulog sa hagdan ng una ulo.
minsang na-adik sa cologne,
minsang pumasok sa aparador para magtago.
minsang pumasok sa school,
minsang natutong magsulat at magbasa,
minsanang hirap gumising sa umaga,
minsan ding nagbaon ng zesto at skyflakes.
minsanang kumain sa jollibee,
minsanang mamasyal sa megamol,
minsang manuod ng sine.
Minsang natutong umibig sa batang edad,
minsang naranasang makipag-fonepal,
minsang nabigo na pogi ang ka-eyeball.
minsang nagkaron ng 5110,
minsang nag-swimming sa subic at cavite,
minsang sumama sa outing sa tagaytay.
minsang muntik mgkamedal,
minsang na-recognized na most talkative,
minsang sumayaw ala-britney,
minsang kumanta ala-sarah.
at minsang umarte ala-kc.
minsang natutong umibig,
minsang naisuko ang lahat,
minsang naiwang luhaan.
ngunit minsan, tumayong muli,
minsang nagbago at nagtagumpay.
sino nga ba ang makapagsasabi?
ng nakalipas at hinaharap,
walang bahid ng pasakit at hinagpis,
ingatan ang bawat segundong minsan dumating,
sapagkat habangbuhay, ang minsan itoy mananatili.


